Bilang job seeker ang lumanding sa inyong pangarap na trabaho ang name of the game ngayon lalo na ang fresh graduates. Bago makuha ang trabaho ay kailangan munang maka-score sa interview.
May trick para ma-boost ang confidence sa inyong last minute interview. Gaya ng kung nahihirapan na ma-feel ang maging confident, ang karaniwan ay talagang pinipeke para lang magpakitang gilas na deserve sila sa trabaho.
Hindi masama na mag-pretend, pero lalabas pa rin ang totoo lalo na kung wala pang experience.
Malalaman pa rin ito sa mga mahiyaing job hunter. Mas madali kung hindi ipi-fake ang pagsasalita.
Kailangan lang na mag-relax at maging humble na aminin ang iyong skills at past experience para natural na lumabas ang iyong sagot.