^

Para Malibang

Spark plug ng ating katawan at kalusugan

Pang-masa

Ang magnesium ay importante sa overall na kalusugan natin, bilang proteksiyon at treatment ng maraming sakit na nararanasan ng isang tao. Pero ilan lang sa mga indibidwal ang nakakakuha ng sapat na mineral mula sa magnesium. Ito ay nagsisilbing spark plug na multiple ang proseso sa katawan. Ito ang partner ng ibang nutrients bilang nagsisilbing mahalagang power sa mahigit na 375 na reaction na kailangan para mapanatiling malakas ang sistema ng ating katawan.

Maraming benepisyo ang magnesium sa ating katawan tulad ng ginagawang healthy ang muscle ng ating puso. Sa tulong ng magnesium at ibang nutrients ay mas nalilinis ang mga basura sa ating  liver. Hindi rin magagawa ang trabaho ng insulin na i-regulate ang sugar sa bloodstream kung wala ang tulong ng magnesium. Inaa-active rin ng magnesium ang metabolism at enzymes para ma-absorb ang vitamins sa katawan. Kalahati ng magnesium sa katawan ay naka-store sa mga bones. Ito ang susi para maging healthy ang ating mga buto. Para tumaas ang magnesium in take ay kailangang kumain ng almonds, spinach, avocado, cashew, oatmeal, isda, black beans, peanut butter, soy beans, saging, at low-fat yogurt. 

Magtanong sa inyong doktor para masigurado kung sapat ang inyong magnesium in take na kailangan ng ating kalusugan.

vuukle comment

NUTRIENTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with