Piliting manatiling kalmado kapag inamin ng bata na siya ay naabuso lalo na kapag nag-iiyak na ito sa iyong balikat. Huwag mag-overreact o padala sa damdamin. Sumunod sa plano ng pulis o barangay kung nai-report agad ang kasong pang-aabuso. Kapag nag-react at nagpadala sa inyong galit na hindi makapaniwala sa nangyari, malaking epekto nito sa bata.
Karaniwang magsa-shut down ang bata na hindi na iimik o mananahimik dahil sa kanyang sobrang takot na nakita niya sa inyong reaction. Magbabago rin ang kuwento o sinasabi ng bata kapag nakita niya ang inyong galit at pagkadismaya. Kahit totoong nangyari ang pang-aabuso. Nagbabago rin ang salaysay ng anak sa kakatanong na nagmumukhang parang mayroong nagtuturo sa kanya na maaapektuhan ang kaso nito sa korte.
Higit na lalong makokonsensiya ang bata dahil sa sobrang galit ng magulang o taong nasa paligid nito.
Tandaan na kumalma at alamin kung saan magri-report, tatawag, at kung paano mag-react sa harap ng bata. Dahil mas lalalim ang sugat at trauma na nararamdaman ng anak kapag hindi na-handle ng maayos ang sitwasyon.