^

Para Malibang

Pabor ka ba sa gender equality?!

ANGAS NG BAE - Pang-masa

• Sa bansa natin, patas na rin ang trato sa mga kalala­kihan at kababaihan. Tama lang na may gender equality dahil may karapatan ang bawat tao ano man ang kanyang kasarian. Kahit pa naniniwala ako na dapat mas may kapangyarihan ang mga lalaki kesa babae, pagdating sa karapatan ay hindi dapat binabalewala sila. Minsan nga mas magaling pa ang babae sa mga lalaki. – Ramon, Fairview

• Hindi sa may galit ako ‘no? Pero dapat mas may power pa rin ang mga lalaki kesa babae. Kasi lalaki ang unang ginawa ng Diyos ‘di ba? Dapat lalaki ang namumuno. Okay na tumulong ang mga babae pero dapat mas superior pa rin ang kalalakihan. Tulad na lang sa tahanan, dapat padre de pamilya ang laging nasusunod. – Trey, Davao

• Mahirap na topic ‘to. Pero simple lang din kung tutuusin. Lahat tayo pantay-pantay na ginawa ng Diyos, oo nga at mas malakas kung titingnan ang mga lalaki, dapat sa pamumuhay at karapatan ay patas lang. Hindi porke’t mas maraming kayang gawin (sabi ng iba) ang mga lalaki eh ina-under na nila ang mga babae. Hindi rin magandang tingnan ang mga under da saya hahahaha. – Niko, Masbate

• Nanay ko ang nagpalaki sa aming tatlong magkakapatid. Ang magaling ko kasing tatay ay hindi na kami binalikan matapos pumunta ng abroad. Kaya dapat lang na pantay lang ang trato sa mga lalaki at babae sa trabaho man o kahit saan. Paano na lang ang mga single moms na nagtataguyod ng kanilang mga anak ‘di ba? – Gringo, Bataan

• Hindi naman dapat isyu ang gender equality. Sa ibang parte lang ng bansa natin eh parang mas may sey ang kalalakihan dahil nga sa kultura natin. Protektor kadalasan ang mga kalalakihan ng mga kababaihan kaya naman nasanay na tayo sa ganun. Pero dapat ay pantay lang ang mga lalaki sa babae. Pantay na karapatan sa bawat isa. – Lance, Cebu

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with