1--Kung kayo’y may toilet sa second floor ng inyong bahay, iwasang itapat dito ang study table ng bata na nasa ground floor. Ito’y lilikha ng tinatawag na “bad killing energy”.
2--Siguruhin na ang puwesto ng bata habang nagre-review ay walang nakatutok na poison arrow: nakatutok na kanto ng furniture, nakausling kanto ng haligi ng bahay, etc. Again, ito’y lumilikha ng “bad killing energy”. Matatamaan ng arrow ang aura ng bata kaya may bad effect ito sa kanyang mood na mag-aral.
3--Kung may painting na bundok, ilagay ito sa bandang likod kapag nakaupo siya.
4--Iwasang magdispley sa study room ng poster ng waterfalls, lake at iba pang body of water. Nakakagulo ito ng pag-iisip.
5-- Obserbahan ang study corner o study room ng inyong anak: May nakatapat bang air-conditioner o exposed overhead beam na nakatapat sa kanya? Kagaya ng poison arrow, ito ay lumilikha ng “bad killing energy.”
6--May katabi bang puno ang kuwarto ng inyong anak? Sana wala. Nakasisira ito sa concentration ng bata.
7--Maglagay ng crystal globe sa north-east ng salas, study room o bedroom ng bata para suwertehin siya sa pag-aaral.