Para mas healthy ang sperm...

Kung nagbabalak magka-baby, ikonsidera ang mga sumusunod para mapalakas, mapabilis ang inyong sperm, at lalong maging fertile. Ayon sa men’sheath.com,  kailangan lang ng kaunting pagbabago sa lifestyle para mas maging healthy ang sperm.

Bukod sa pagkain ng mga pagkaing mayaman sa antioxidants, kailangan ding i-push ang sarili sa pag-e-exercise na makakatulong para sa healthy sperm.

Ingatan ang Sperms - Siyempre, kailangan din pangalagaan ang kapakanan ng sperm.

Ilang beses na nating natalakay na ayaw ng sperm ng mainit. Kailangang mas malamig kumpara sa body temperature ang inyong private part dahil ayaw ni ‘manoy’ ng mainit.

Sikaping laging presko ang inyong mga ‘alaga’.

Iwas din sa mainit. Bawasan ang pagha-hotbath.

Iwasan din ang pagga-gadget dahil nakakaapekto sa sperm ang mga electromagnetic waves.

Kaya ilayo kay ‘manoy’ ang cell phones at laptops.

Maging maingat din sa mga ginagamit na sabon, creams, at lubes.

Kung anumang mga ginagamit na creams, spray, sabon, lubes na may kemikal na makakaapekto sa sperms,  ingatan ito. Baka maapektuhan ang sperm.

Show comments