^

Para Malibang

Pangalawang Anino (358)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

PAGKATAPOS kumain ng magkapatid, nagkuwentuhan sila.

“Ano ang buhay ninyo, Nanette? Paano ka lumaki?”

“Mahirap din. Kasi nga di ba ... wala na si Tatay?”

“Dahil nabaliw sa kagandahan ng aking ina kaya nagtanan sila.”

“Masyadong nasaktan si Inay pero agad naman siyang nag-move on. Lagi na lang siyang nagdadasal para magkaroon ng lakas. Makayang buhayin ang tatlong anak na walang ama.”

“Paano niya kayo nabuhay, napaaral?”

“Masipag siya. Masarap magluto. Kaya nagtayo ng munting kainan na sapat naman ang kita para sa mga pangangailangan namin. Napag-aral pa rin niya kami. Nakatapos ako at ang sumunod sa akin. Magtatapos na rin ngayon ang bunso namin.”

“Parang walang kumplikasyon sa buhay ninyo.”

“Kayo? Ikaw? Anong buhay meron kayo? Mahirap ba na may kakaiba sa iyo dahil dalawa ang anino mo?”

“Ibang-iba ang buhay ko. Para bang ... hindi ako tanggap ng tao dahil nga may dalawa akong anino. Noong una pa lang, hindi na kami puwedeng lumantad sa ordinaryong lugar ng mga tao. Doon lang kami sa Itom lumaki. Noong dalaga na ako at ang mga anino ko, saka lang kami pinayagang lumabas sa Itom. Pero may kapangyarihan akong taglay na alam kong galing sa ... kalaban ng inyong Diyos.”

“Hindi kita masisisi. Bata ka pa lang, niyungyungan na kayo ng kalaban ng kabutihan. Ang pangalawang anino mo ay ginawang instrument ng kasamaan. Pero ikaw ang mas ginamit ng hari ng kadiliman.”

Hindi na sumasagot si Yawan.

“Baka inaantok ka na?”

“Hindi pa ... may itatanong ako sa iyo, Nanette.”

“Sure ...”

“Kung magpapakita sa atin si Arturo at sinabi niyang maging kayo pa rin ...papayag ka ba? Kahit masasaktan ako?”

Agad sumagot si Nanette, hindi na nag-isip pa. “Hindi na kami nagkikita ni Arturo pero sana naiintindihan niya na iba na ang ... kalagayan ko ngayon. Ang mga misyon ko sa buhay ay masyadong mabigat. Makabubuti kung mag-isa na lang ako, wala nang karelasyon.”

“Sana ganyan ka na noon de sana wala na tayong pinag-aawayan.”

“Pasensya na, Yawan. But during that time, isang ordinaryong babae lang ako na umiibig. Kaya ipinakipag­laban ko ang lalaking mahal ko at mahal mo.”  ITUTULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with