Dear Vanezza,
Kalungkot ang drama nina lolo at lola. Kung kailan nagsitanda at Valentine’s Day na ay saka pa may love quarrel. Ang malala pa, aba gusto pang maghiwalay na. Tahimik lang sina mama at papa sa away nila lolo at lola na nalulungkot din tuwing nag-aaway ang mga senior citizens. Kahit pala matatanda na gusto pa ring maghiwalay na imbes na magsama. Wala ba talagang forever? – Ajay
Dear Ajay,
Walang perfect na relasyon. Kahit sa mga senior citizens ay marami ring hindi pinagkakasunduan. Ang mahalaga ay pakinggan at asikasuhin ang kanilang kailangan. Ipasyal silang dalawa sa labas na kumain sa mall. Para malibang at maiba naman ang kanilang paligid. Huwag mag-aalala dahil magkakasundo rin sila, minsan kailangan din nila ng space kahit senior citizens na.
Sumasainyo,
Vanezza