Ang giraffe ang pinakamatangkad na mammals sa earth, ang leeg pa lang nito ay mas matangkad pa sa ibang tao — 6 feet.
Magkaparehas ang bilang ng mga buto sa leeg ng giraffe at mga tao.
Hindi rin sila mahilig uminom ng tubig at kadalasan, nanggagaling ang kanilang liquid sa mga halamang kanilang kinakain.
Maaaring malaman ang edad ng mga giraffe base sa kanilang spot sa katawan. Kung mas maitim ang kanilang spot, ibig sabihin ay mas matanda na sila.
Mahaba rin ang dila ng mga giraffe kung saan kaya niya pang linisin ang kanyang tainga gamit ito.
Hindi masyadong humihiga o umuupo ang mga hayop na ito. Katunayan, natutulog at nanganganak sila nang nakatayo.
Ang giraffe rin ang tanging hayop na ipinanganak nang may horn o yung parang sungay sa kanilang ulo.