Ayon sa isang skincare expert na si Michaella Bolder, ang pag-inom ng alak ay isa sa pinakamabigat na kasalanang magagawa mo sa iyong kutis.
Maraming side effect ang pag-inom ng alak dahil nagpo-promote ito ng hormone disruption dahilan para ikaw ay magka-acne. Bukod dito ay pinahihina rin nito ang iyong immune system. Nade-dehydrate rin ang iyong balat sa pag-inom nito.
Isa rin ang palagiang pagkain ng dairy products sa mga dahilan kung bakit laging oily ang iyong mukha at maging prone sa acne.
Ayon pa sa ilang beauty expert, kailangang iwasan ang pagkain ng breakfast cereals dahil hitik ito sa asukal at ang ilan ay hindi rin totoong all natural. Katunayan, ang ilan sa breakfast cereals na mabibili sa grocery ay mayroong GMO ingredient na siyang dahilan sa pangangati ng balat at pagsumpong ng acne.
Isa rin sa mga pagkaing dapat iwasan ay ang processed meats gaya ng ham, bacon, hotdog, sausage, tocino, at kung anu-ano pa. Ito ang dahilan kung tayo hitsurang namamanas at dahil ito sa rami ng asin ng processed meats.
May nitrites din ang mga ito na siyang sumisira sa collagen at elastin ng balat kaya sinuman ang mahilig na kumain ng processed meat ay mas mabilis na tatanda ang hitsura.