Nanay Napapraning sa Anak

Dear Vanezza,

Ako po ay 18 years old at first year college sa kursong engineering. May GF ako na hindi matanggap ni mama dahil makakasira raw ito sa pag-aaral ko. Kaya bago matapos ang taon ay gusto niya akong pumunta sa Australia. Para mapalayo ako sa GF ko. Hindi ko naman pinababa­yaan ang studies ko, pero hindi pa handa si mama na magkanobya ako. Si mama ay napapraning na akala ay  parang lagi akong makakabuntis. Puwede bang magnobya muna. Ano ba ang gagawin ko para hindi ako pumunta sa Australia? – James

Dear James,  

Gusto lang ni mama mo na makatapos ka ng pag-aaral. Inaalala lang ng mama mo ang future mo na maaaring ma-distract sa iyong studies sa GF mo. Bakit hindi mo muna sundin ang mama mo para sa iyong kapakanan. Tiyak na maiintindihan ito ng GF mo. Kung talagang kayo ng GF mo ay maghihintay siya sa iyo para sa inyong future.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments