May Kabit si Mommy

Dear Vanezza,

Ang daddy ko ay isang engineer sa Dubai na umuuwi lang tuwing after two years. Nahuhuli ko si mommy na may ka-chat na lalaki na ayaw na rin pagamit ang CP na nilagyan pa niya ito ng lock. Bigla bumait sa akin si mommy nang mahuli ko siyang may kausap na lalaki sa club house namin. Nasasaktan ako dahil may kabit ang mommy ko na hindi alam ng daddy ko. Hindi ko masabi sa daddy ko at sa dalawa kong kapatid ko dahil baka masira ang pamilya namin. Ano ba ang gagawin ko bilang panganay? – Chelle

 

Dear Chelle,

Ikaw mismo ang magsabi sa mommy mo na mali ang kanyang ginagawa. Puwde mo siyang sulatan at sabihin ang alam mo tungkol sa kanya. Kung hindi mo kaya ay puwedeng ipaalam sa lolo o lola mo na magulang niya. Mas maagang mapaalalahanan ang mommy mo, mas maaga itong magigising sa kanyang ginagawa.

Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments