Malamig na Pasko

Dear Vanezza,

Sa lahat ng okasyon ang ayaw ko ay ang Christmas time. Lahat nagsasaya pero ang puso ko ay laging luhaan sa malamig na Pasko. Taun-taon promise ng nobyo ko na uuwi siya ng ‘Pinas mula Dubai. Pero laging napapako, pati ang plano naming pagpapakasal ay naudlot na rin. Limang taon na akong naghihintay na hindi na rin ako bumabata. May time na rin na hindi siya active sa Facebook para magkausap kami. Sabi ng mga kaibigan ko, kung talagang gustong umuwi ng BF ko ay puwede. Hula nila ay baka may iba na itong GF sa Dubai na pinaaasa lang daw ako. Tama ba sila? - Tanya

Dear Tanya,

Kausapin mo ng masinsinan ang nobyo mo at itanong sa kanyang kung seryoso pa siya sa plano ninyong pagpapakasal. Nang hindi ka na naghihintay sa wala. O baka naman talagang busy ang nobyo mo na may iba pang tinatapos na commitment sa pamilya niya para bago kayo ikasal ay mas magaan ang buhay may-asawa ninyong dalawa.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments