Anak na Magsasayang ng Oras at Pera
Dear Vanezza,
Ako ang panganay sa tatlong magkakapatid na gusto ko pong mag-enrol sa music school, pero nakikiusap ang magulang ko na kung puwede akong kumuha ng business course. Gusto ng parents ko na ako ang magmana ng kanilang negosyo dahil ako raw ang panganay. Kaso wala naman akong hilig sa pagnenegosyo. Dahil ang passion ko ay music na natatakot ang nanay at tatay ko dahil wala raw pera sa kursong pinipili ko. Ano ba ang gagawin ko? – Mike
Dear Mike,
Ipaliwanag sa magulang mo na magsasayang ka lang ng oras kung susundin ang kursong gusto nila. Dahil hindi mo rin mai-enjoy ang pag-aaral na malamang ay ibagsak mo pa na masasayang lang ang oras at pera. Bakit hindi ka makipag-deal na kung puwedeng tapusin mo muna ang iyong music course saka ka, kumuha ng unit sa business course na madali na ngayon. Tanungin din ang dalawa mong kapatid na baka mayroong hilig sa kanila ng pagnenegosyo para maibsan ang pangamba ng iyong magulang na walang magmana ng inyong negosyo.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest