Pangalawang Anino (293)

NAYANIG ang mga pulis na bumaril kay Alona ng silencer gun.

“Hindi siya tinatablan ng bala, Sarhento!”

“Nakita ko nga! Uulitin ko pa baka lang sumablay ako!”

TSUG TSUG TSUG

Sa dibdib na tina­maan si Alona, sa may puso, pero walang dugo dahil ang mga bala ay tumalbog lang.

Nagalit si Alona.

Sinugod ang mga bakal ng selda at niyug­yog. Ang lakas-lakas niya.

Umuga kaagad ang buong nakaharang na mga bakal.

At isang tulak ni Alona ng dalawang kamay kasama ang sipa ng isang paa, bumagsak ang mga bakal.

Agad nasakmal ang sarhentong may hawak ng baril. Piniga ang leeg, sumirit ang dugo mula sa mga nabutas na bahagi ng leeg.

Sinipsip kaagad, may tunog pa. PSSSRRRSSST   PSSSRRRSSST

Takbuhan na ang iba pang pulis. Pero kaybilis ni Alona, nahawakan ay dalawa kaagad.

Pinag-untog niya ang mga ito, sobrang lakas.

Bumagsak pareho.

Dibdib naman ang winarak ni Alona at kinain ang buong puso pati mga malalaking ugat doon.

Kaybilis lang naubos ang organ na iyon at isinunod ang bituka. Bitukang malaki at bitukang maliit,sabay na nabunot.

Kinain na akala mo ay aagawan. Halos hindi na nginunguya, natatawa sa sarap, napapaungol din.

Tumirik pa ang mga mata sa sobrang gana.

Nakalayo na ang mga pulis, walang nakagamit ng baril dahil sa sobrang takot.

Hindi malaman kung magre-report na tinakbuhan nila ang halimaw sa selda na ngayon ay nakawala na.

O magtatangka pang gumawa ng magandang kuwento para hindi masabi ng mga nakakataas sa kanila na naduwag sila.

Kaya ni hindi natulungan ang mga kasamahan na kinain ni Alona.

PANIWALANG-PANIWALA na halos lahat na mga taong nagdasal sa kulungan na kinaroroonan naman nina Yawan at Yawanaya.

“Angela, ang amo-amo nila habang nagdadasal tayo. Ibig sabihin ay nagbago na nga sila, mabubuting nilalang na!” Tuwang sinabi ng isang medyo matanda nang babae na relihiyosa. Itutuloy

 

Show comments