May isang pista sa India ang kinabibilangan ng mga ahas. Tinatawag itong Nag Panchami kung saan nangangalap pa sila ng mga ahas para sambahin. Ipinagdiriwang ito sa rural areas ng Maharashtra at ilang templo.
Sa pagdiriwang nito, nagsasayawan ang mga tao habang nakapatong sa kanilang mga ulo ang mga banga na naglalaman ng buhay na ahas. Isasama nila ang mga ito sa prosisyon papunta sa mga templo. Pagkatapos ng mga chant at dasal ay binubudburan nila ang mga ahas ng turmeric at red powder at aalayan ng gatas at pulot. Pagkatapos pakainin ay pakakawalan ang mga ahas sa temple courtyard.
Kahit pa maraming ahas na may lason tulad ng cobra ang ginagamit sa ritwal na ito, wala pa namang nababalitaang nakagat ng ahas at namatay. Malamang ay alam talaga nila ang kanilang ginagawa.