Paano makukuha ang print ng inyong lips? Aplayan ng red lipstick ang inyong lips. Kumuha ng bond paper. Ilatag sa mesa. Yumuko at idikit ang lips sa white paper. I-match ang nakuhang lip print sa listahan:
KORTENG DIAMOND: Ang gitnang bahagi ng upper at lower lips ay patulis kaya nagkorteng diamond. Kadalasan ay nagtatagumpay ang babaeng may diamond lips. Marami silang naa-accomplished kaya sumisikat sa propesyong napili niya. Nagiging magaling na teacher.