Paano makukuha ang print ng inyong lips? Aplayan ng red lipstick ang inyong lips. Kumuha ng bond paper. Ilatag sa mesa. Yumuko at idikit ang lips sa white paper. I-match ang nakuhang lip print sa listahan:
TRIANGLE: Ang gitnang bahagi ng upper lip ay patulis samantalang ang lower lip ay tuwid, horizontally. Ang taong may ganitong lips ay magaling pumulso ng taong may talent. May kakayahang mag-coach para lalong lumutang ang talent ng kanyang sinasanay. Bagay silang maging teacher, coach, counsellor at manager. Magsa-shine ang kanyang career sa Human Resources and Technical Support. Itutuloy