Ang pagpapalaki ng business ang goal lahat ng negosyante. Pero ito rin ay puwedeng pagmulan ng ikababagsak ng business sa maling motibo. Kung ang pag-expand ay para lang sa ego para magpasikat at hindi para magsilbihan ng mas maayos ang mga taong tumatangkilik sa negosyo ay nagkakamali ng layunin.
Malakas ang tukso na isipin na kapag nagtatagumpay sa linyang pinasok na business ay baka maaaring magawa rin ito sa ibang field. Ang ganitong kaisipan ay delikado. Ang pagpapalaki lang ng sariling negosyo ay puwedeng panganib na sa ambisyosong negosyante.
Hindi komo nagtagumpay sa maikling panahon ng hinahawakang negosyong ay basta na lang magbubukas ng franchise.
Maghunos dili muna dahil sa operation pa lang sa isang local business ay mauubos na ang capital; imagine ang sakit ng ulo sa isa pang outlet nang walang sapat na paghahanda.