Nagbigay ng inspirasyon sa matagumpay na katatapos ng National Student Convention kamakailan ang pagsali ng Heaven’s Eyes Tribal Mission Academy na ang mga estudyante ay mula sa tribo ng Batak.
Hindi nagpahuli ang mga kabataang katutubo dahil nanalo ang kanilang delegates ng second place sa Trio Female category na sina Angelica S. Hernando, Jufil A. Rodrigo, at Semaya D. Delos Angeles. Nagwagi rin sa Duet Male - 6th place sina Josiah A. Villanueva at Jerome S. Abucal. Maging sa sports event ng table tennis si Angelica S. Hernando na 6th place.
Ang HETMA ay pinangungunahan ni Dr. Welthy E. Villanueva na school administrator ng academy kasama ang ibang staff na may pusong turuan ang mga katutubo gamit ang PACE mula sa School of Tomorrow System. Si Dr. Villanueva ay produkto rin SOT system na ngayon ay doktora rin sa tribo ng mga katutubong Batak.
Upang marating ang academy ay kailangang tumawid ng isang ilog at sampung tawiran mula sa highway na nilalakad ng 65 kms sa Bry. Bancao-bancao Puerto Prince-sa City, Palawan.
Sa nais mag-abot ng donasyon ay maaaring makipag-ugnay kay Dr. Welthy E. Villa-nueva sa mga # 0917 5460212, 0918 9651843, 09330257472 o mag-email sa doctorwingky@gmail.com o heaveneyestri-balmissions@gmail.com.