Anak Nagseselos sa Bagong Ampon

Dear Vanezza,

Thirteen years old na ako, pero hindi ko maintindihan kung bakit priority nila mama at papa ang ampon namin. Sana hindi na lang ako pumayag na ampunin ang 2 years old na batang yun dahil lahat ng atensiyon, regalo, at oras ay ibinibigay ng parents ko sa kanya. Samantalang ako ang tunay na anak. Ano ba ang gagawin ko? – Sam

Dear Sam,

Naaliw lang ang magulang mo sa bata. Imbes na magselos ay ituring mo siyang  tunay na kapatid dahil parte na siya ngayon ng inyong pamilya. Makatutulong na kausapin ang magulang mo para malaman nila ang iyong nararamdaman. Para ma­kabawi rin sila sa iyo.

Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments