Ang Bestfriend na si Bantay
Ang pet ay isa sa best friends ng tao. Kahit feeling bad trip, may problema sa trabaho o eskuwelahan; kung may alagang aso, love ka pa rin ni Bantay. Kahit sabihin pang no string attached.
Milyong pamilya ang nagmamay-ari ng pets na nakararanas ng heartbreak kapag nawalan ng alagang hayop.
Kahit namatay ang alaga sa katandaan, sakit, o aksidente ang hayop tulad ng tao na kapag nawalan ng mahal sa buhay ay nasasaktan.
Malaki ang naitutulong ng mga beterenaryo sa mga alagang pets. Pero kahit ang medical na proseso ay hindi naisasalba ang buhay ng alaga.
Kapag may sakit na nararanasan ang hayop hindi ito gumagaling, na kapag hindi naagapan ay lumalala pa. Kailangang patulugin ng mga vet ang hayop. Binibigyan ng injection o shot kilala bilang euthanasia. Hinahayaang matulog ang aso hanggang mamatay ito peacefully na walang sakit o takot.
Pero kahit ang magdesisyon ng ganito ito ay mahirap pa rin gawin, kaya ang iba ay hinahayaan silang natural na mabawian ng hininga ang hayop.
- Latest