1—Kapag aksidenteng nadaanan ng walis ang paa ng isang binata o dalaga, malaki ang tsansa na hindi na ito makakapag-asawa. Para kontrahin ang masamang kapalaran, dapat ay duraan niya ang walis.
2—Sa ibang panig ng Africa, hindi sila nagwawalis ng tatlong araw matapos ilibing ang kanilang kaanak para hindi ma-offend ang kaluluwa. Isa pa, para hindi matanggal ang suwerteng namamahay sa bahay.