Natalakay na natin ang mga maling ginagawa sa pag-gamit ng condom.
Ang maagang paglalagay ng condom, maagang paghuhubad ng condom, pag-ulit ng paggamit sa condom, todong pag-a-unroll ng condom na hindi pa nakasuot sa penis, pag-iiwan ng space sa tip ng condom, pagtatanggal ng hangin sa condom, baliktad na pagsusuot ng condom, hindi naa-unroll ng todo ang condom kapag suot na, pagkakaexpose ng condom sa matalas na bagay, pagtse-check kung may damage ang condom, paggamit ng condom na may problema sa lubrication, paghugot pagkatapos at pagtatago ng condom at ang pinaka-malaking pagkakamaling ginagawa ng mga lalaki ay ang hindi pagsusuot ng condom.
Tandaan na ang condom ang nagsisilbing proteksiyon laban sa mga sexually transmitted infections at deceases. Pinipigilan nitong magkapasahan ng body fluids.
Hindi dapat nabubutas ang condom lalo na sa ‘kainitan ng aksiyon.”
Kung mangyayari ito, dapat maging alerto.
Hugutin agad at magpalit ng condom.
Kung hindi gumagamit ng contraceptive method, iminumungkahing gumamit ng emergency contraception o emergency pill.
Iminumungkahi ring mag-pa-test pareho para sa HIV at STIs.
Iminumungkahi rin ang emergency HIV treatment kung may panganib ng HIV infection.