Kabaligtaran sa inaasahan na kapag nag-abroad ang Pinoy ay mayroong agad malaking suweldo.
Iniisip ng ibang kamag-anak at tao na mas malaki ang pera nito pagbalik niya sa ‘Pinas, pero karamihan sa mga overseas Filipino workers ay umuuwing luhaan na walang naiipong pera. Kadalasan ang ideal na sitwasyon ng mga OFW mula sa una pa lang ay marami nang gastusin mula sa relocation expenses at pagbabayad sa agency sa mga unang taon sa trabaho nito. Sa mga susunod na buwan, magsisimula na itong mag-ipon para sa future. Pero sa mas maraming kaso ay hindi ito nasusunod. Dahil habang tumatagal, hindi inaasahan na ‘di nasusunod ang kontrata. Mali ang trato sa OFW na walang sapat na pahinga, pagkain, tulugan, mababa ang suweldo, walang proteksiyon kapag nagkasakit, at marami pang ibang problemang kinakaharap.
Ang pinakamasaklap ay marami ang nababaon sa utang dahil sinasamantala ng kanilang employer ang mga kawawang OFW.
Hindi pare-pareho ang kapalaran ng mga OFW; may masusuwerte at mayroon ding hindi pinapalad ang kapalaran sa ibang bansa.