Grabe na ‘to!
Isang kulay pink na dolphin ang unang namataan taong 2007 sa Calcasieu Ship Channel na malapit sa Hackeberry.
Naaliw ang mga taong nakakita sa nasabing dolphin. Nakunan pa ng video ni Bridget Boudreaux ang nasabing dolphin habang nasa cruise boat sila ng kanyang pamilya at mga kaibigan.
Tinawag na Pinky ang nasabing dolphin dahil sa kulay nito. Kamakailan lang ay namataan uli si Pinky kasama ng ibang dolphins pero ngayon ay may isa pang kulay pink na nakitang kasa-kasama nila. Pinaniniwalaang anak ni Pinky ang bagong nakitang pink na dolphin.
Ayon sa mga scientist, ang kulay ni Pinky at pinaniniwalang anak nito ay isang uri ng albinisim o rare genetic mutation.