Malaki ang pagkakaiba ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili, kumpara sa pagiging egotistic. May ilan na naniniwala sa kanilang sariling kakayahan na walang yabang, may mga bagay na hindi nila ginagawa.
Tulad ng hindi sila nagbibigay ng excuses, palusot, o sinisisi ang iba. Ang confident na tao ay mga self-efficient na naniniwala na lahat ng bagay ay puwede mangyari. Alam nila ang maging responsable sa kanilang mga ginagawa na sila ang may kontrol. Kaya hindi mo sila nariringgan na umaangal sa traffic kaya sila nali-late. Sinisisi pa ang kanilang boss na unfair daw dahil hindi sila ma-promote.
Ang mga confident at responsableng tao ay hindi nagdadahilan ng excuses. Dahil alam nilang sila ang may kontrol sa kanilang sarili.