Nasanay tayong mamuhay sa ingay, stress, laging nagmamadali, at sa bawat problema araw-araw ay hindi na nabibigyan ng pansin ang mental balance. Hindi nakapagtataka na maraming nadidelop na sakit na nararamdaman.
Hindi na tayo puwedeng tumira sa kuweba o sa tuktok ng bundok; pero maraming technique para maayos ang quality ng ating buhay; at mahanap ang kapayapaan na kailangan sa gitna ng magulong paligid.
Isa rito ay tinatawag na “inner smile” puwedeng gawing bahagi ng lifestyle. Ang inner smile ay isang Taoist art mula kay Chi na ang ibig sabihin ay energy o essence.
Ito ay technique na ang goal ay mag-circulate ang energy sa katawan para ma-improve ang health, vitality, emotional, at spiritual na balance. Ang inner smile ay isang paraan upang mag-heal ang isipan at katawan sa kabila ng maraming problema at magulong mundo. Kailangan matutong ngumiti at tumawa para mabawasan ang negatibong vibes sa buhay.