Tatlong Paraan ng Pagkuha ng Zest
Burp Tips
Ang pag-zest ng prutas ay isang paraan para makuha ang balat nito para gawing pandagdag flavor o kaya’y pang-decorate sa pagkain o inumin.
May tatlong paraan para makapag-zest ng prutas. Ang pinaka-obvious ay ang paggamit ng zester. Ang makukuha rito ay mahahabang strip ng balat ng prutas na maaaring gamiting pang-decorate bukod sa pandagdag sa flavor.
Isa pang paraan ay ang paggamit ng paring knife. Ito naman ang maganda para sa candied lemon at orange peel. Malalaking hiwa ng balat ang magagawa nito kumpara sa paggamit ng zester.
Ang paggamit naman ng grater o panggadgad ay mainam sa mga salad dressing o tinapay dahil maliliit na piraso ang magagawa rito.
Kaya ‘wag sasayangin ang balat ng mga prutas lalo na nag orange at lemon dahil maraming paraan para magamit ito. Burp!
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com
- Latest