1—Bahagi ng feng shui ang pagtatanim ng halaman sa paligid ng bahay dahil ito’y nagdudulot ng good energy.
2—Magdispley ng halaman sa loob ng office upang madagdagan ang suwerte sa career. Ilagay ito sa south, east at southeast.
3—Kung ang married couple ay hindi magkaanak, iwasang maglagay ng bulaklak sa bedroom at sa halip ay mga prutas na nasa basket ang idispley dito.
4—Huwag ipapasok sa loob ng bahay ang mga halamang may tinik, lalo na sa front door.
5—Huwag ipapasok sa loob ng bahay ang bonsai. Nagpapahayag ito ng naudlot na pag-unlad.
6—I-trim lagi ang mga halaman. Nagbibigay ng bad energy ang tanim na mas mataas pa sa inyong bubong.
7—Nagdudulot ng suwerte ang fresh flower sa loob ng bahay. Itapon kaagad ang nalantang bulaklak.
8—Malas ang magdispley ng dried flowers. Mas mabuti pang gumamit ng artificial flowers.
9—Ang puno ng orange at lemon ay nagdadala ng kasaganaan sa tahanan lalo na kung nakatanim sa may gilid ng entrance.
10—Ibaon ang 9 coins sa paso na pinagtataniman ng jade or bamboo plant. Idispley ito sa wealth area or sa southeast corner ng inyong salas.