Milyonaryong Nakaranas ng Kabiguan
Maraming matagumpay na tao ang nakaranas ng failure.
Tulad ni Michael Jordan na isa sa pinakamagaling na baskeball player of all time. Pero may time nung high school ay napatigl ang paglalaro niya ng basketball dahil sa tingin ng coach niya na wala siyang sapat na skills pagdating sa loob ng court.
Maging si Warren Buffet na isa sa pinakamayaman at matagumpay na businessman sa buong mundo ay na-reject sa Harvard University.
Si Richard Branson, may ari ng Virgin empire ay isang high school dropout. Halos buong buhay niya ay puro kabiguan ang naranasan nito.
Maaaring pinagsasarhan at pinagbabaksakan tayo ng pinto bukod sa mga maling desisyon sa buhay.
Pero imagine mo kung sumuko agad si Michael Jordan sa kanyang pangarap na makapaglaro ng basketball nang inalis siya sa team. Kung nakinig si Richard Branson sa mga taong nagsabi sa kanya na wala siyang magagawa, dahil wala siyang high school diploma.
Mag-isip ng mga oportunidad na maaaring ma-miss kung hahayaang mapigilan o papatalo sa kabiguan at failure na dumarating sa buhay.
- Latest