Dapat Marinig ng Anak

Ang mga magulang ay walang problema na gamitin ang salitang “no, stop, at huwag” na araw-araw sinasabi sa mga anak. Bilang sagot ng mga nanay o tatay sa bawat request o ginagawa ng mga anak.

Hindi ibig sabihin na hindi na kailangan ng boundaries ng mga bata. Pero bakit hindi subukan na ilagay ang sarili sa sitwasyon ng mga anak. Araw-araw mo kayang marinig sa boss o asawa mo ang mga salitang negatibo o bagay na “no” na pinipigilan agad na sumubok sa isang bagay. Ano kaya ang mararamdaman mo? ‘Di ba maririnde ka rin sa kasasaway gaya ng “bawal ‘yan” o “hindi pwede.”

Pero kahit mahirap spellingin ang magulang dapat pa rin marinig ng mga anak ang love at kung gaano ka-proud sina tatay at nanay sa mga anak.  Dapat marinig at makita ng mga bata ang  positibong salita sa magulang para magkaroon ng magandang epekto sa mga bata.

Show comments