Ang Hinliliit ng Magaling sa Negosyo

Panggitnang Daliri - Kung butuhan, kailangan muna ang proof bago mo siya mapaniwala sa iyong sinasabi. Seryoso siya sa buhay. Pinag-aaralan muna ang sitwasyon bago isagawa ang plano. Kung tuwid at makinis, mahilig siya sa occult sciences at mapaniwalain sa pamahiin.

Ang Palasinsingan (Ring finger) - Kapag sobrang ikli ng palasinsingan, ito ay indikasyon ng pagiging sumpungin. Kadalasan ay mahirap silang pakisamahan. Kung mahaba, ang artistic desire ay napakalakas. May ambisyon din siyang yumaman at sumikat. Kung ­sobrang haba o kasinghaba ng middle finger, gagawin niya ang lahat ng paraan upang matupad ang lahat ng kanyang mga pangarap. May tendency na maging sugarol.

Ang Hinliliit - Normal ang haba ng hinliliit kung ito ay umaabot sa ibabaw na guhit ng ring finger. Kung sobrang maikli, nahihirapan siyang magsagawa ng kanyang mga plano kaya kadalasan, ang plano ay nanatiling plano na lamang. Kung ito ay nakabaling sa ring finger, indikasyon ito na magaling siya sa pagnenegosyo lalo na kung butuhan ito.

Show comments