Dear Vanezza,
Nandito ako sa Saudi bilang domestic helper. Hiniram ng dati kong nobyo ang anak naming 2 years old na hindi pa isinosoli sa bahay. Ayaw nang ibalik ang anak ko dahil wala raw nag-aalaga sa bahay namin, kundi ang may edad kong nanay. Pakiramdam ko ay mamamatay ako kapag tuluyan na niyang hindi ipapakita ang anak ko. Hindi pa akong pwedeng umuwi dahil dalawang taon ang kontrata ko. Ano po ang dapat kong gawin? – Jane
Dear Jane,
Maaaring magsumbong sa baranggay, pulis, o DSWD. Kahit nasa malayo ay ikaw pa rin ang may karapatan sa inyong anak. Maaaring nag-aalala lang din ang BF mo sa kalagayan ng inyong anak. Kaya magandang pag-usapan ito ng maaayos.
Sumasainyo,
Vanezza