Galit na Healthy Emotion

Ang galit ay isang normal at healthy na emosyon, pero kailangan dalhin sa positibong paraan.

Kapag hindi nakontrol ang galit parehong maaapektuhan ang kalusugan at relasyon.

Para makontrol ang galit may ilang anger mana­ge­ment tips na dapat tandaan tulad ng mag-isip muna bago magsalita.

Sa mainitang sitwasyon madaling magbitaw ng salita, pero pinagsisihan din sa bandang huli.

Kaya maghintay ng ilang segundo at isipin muna bago sabihin. Payagan din ang kausap ganito ang gawin para hindi magkasakitan ng damdamin. Kapag maliwanag na ang isip, saka ihayag ang pagkadismaya pero hindi sa paraan na komprontasyon.

Sabihin ang concerns nang maliwanag at deretso na hindi nakakasakit o gustong kontrolin ang iba.

Show comments