Gagambang Nandudura

Kamangha-mangha ang istilo ng panganga­lap ng pagkain ng isang gagamba na tinatawag na spitting spider.

Sa kanilang panga­lan pa lang ay matutu­koy mo na kung anong pamamaraan ang kani­lang ginagamit.

“Spitting” o pandu­dura ang ginagawa nila sa mga insektong matitipuan nilang ga­wing panghapunan. Hindi sila kagaya ng pangkaraniwalang gagamba na hihintaying mabitag ang insekto ‘pag ito ay nakapasok sa kanilang sapot.

Bukod pa rito ay may poison glands din sila sa tiyan kaya tiyak na walang kawala ang kanilang bitag.

Matatagpuan ang spitting spider sa buong mundo pero mas malaki ang populasyon nito sa Southern U.S.A.

Ang kanilang laway ay nagtataglay ng nakalalason at malagkit na fluid. At agad ding namamatay ang mga insektong nabibiktima nito.

Show comments