BABALA: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.
1. Magpainit ng pure olive oil at gumamit ng dropper para magpatak sa tenga. Hayaan ito ng 10 minuto hanggang lumambot ang earwax. Panatilihing nakatagilid ang ulo at dahan-dahang tanggalin ang oil at ear wax gamit ang cotton buds.
2. Maghalo ng magsindaming alcohol at apple cider vinegar. Habang nakahiga nang patagilid ay patakan ang tenga. Hayaan ng 10 minuto bago tanggalin ang ear wax gamit ang cotton buds.
3. Magbabad ng washcloth sa mainit na tubig at pigaan. Ilapit at itutok sa tenga ang washcloth ng 10 minuto para mawala ang pananakit at bara.
4. Mag-hot shower sa loob ng 10 minuto para matanggal ang bara sa tenga mula sa steam.
5. Punuin ng mainit na tubig ang isang ear syringe. Habang nakatagilid ang ulo, hilain ang ear lobe pababa para bumuka ang ear canal. Ipasok ang dulo ng syringe sa tenga at pindutin ang bulb para lumabas ang tubig. Maghintay ng 10 minuto bago itagilid sa kabilang side ang ulo at hintaying lumabas ang tubig.
6. Buksan ang bibig at subukang humikab hanggang maramdamang lumabas ang hangin sa tenga. Ulitin ang proseso hanggang mawala ang bara.
7. Maghalo ng 1 kutsaritang asin sa isang basong mainit na tubig. Imumog ang solution sa loob ng 30 segundo bago idura.