Binabara ng malaking puno ang pagpasok ng good energy sa main door. Ang pangkalaha-tang implikasyon nito ay mga hadlang tungo sa pag-asenso at sakit sa liver. Linawin muna natin: Gaano kalaking puno ang pinag-uusapan natin? Malaki ang puno kung ang diameter ng trunk ay may sukat na 12 inches o higit pa. Kapag malaki na, masama ang implikasyon nito sa Fengshui kagaya ng mga sumusunod:
1. Kapag ang puno ay nasa kaliwa ng maindoor (kapag nakaharap sa labas): Positive ang dulot nito. May lalaki na laging tutulong sa inyo at magpoprotekta.
2. Kapag nasa kanan: Nagiging dominante si Misis; o mambababae si Mister.
3. Kung ang puno ay nasa mismong tapat ng main door: a) kapag ang branches ay may sakit, ang implikasyon sa isa sa mga residente ay masakit na kamay dahil sa litid; b) kung may uka ang trunk, isa sa mga residente ay maooperahan o magkakaroon ng bleeding ulcer. (Itutuloy)