Kagat ng Bubuyog o Putakte
BABALA: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.
Delikado ang kagat ng putakte o bubuyog at maaari itong magresulta sa mas malalang kundisyon. Kaya magpakonsulta agad sa doktor kapag hindi nawala ang mga sintomas matapos ang sampung araw. Para naman sa mild at moderate reactions maaring bigyang-lunas ito sa bahay.
1. Ang unang-unang dapat gawin ay tanggalin ang “stinger” na nakabaon sa balat. Kutkutin ang pinagkagatan gamit ang kuko o tanggalin ito gamit ang tsane bago kumalat ang lason sa katawan.
2. Lagyan ng ice pack at iwan ng 15 minuto. Ulitin ang proseso pagkaraan ng ilang oras.
3. Gumawa ng paste gamit ang 1 kutsarang baking soda at kaunting tubig. Pahiran ang kinagatan at iwan ng 10 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.
4. Magbabad ng cotton ball sa apple cider vinegar at ilapat sa kagat sa loob ng 10 minuto.
5. Pahiran ng raw honey ang apektadong parte at hayaang matuyo bago banlawan ng maligamgam na tubig. Ulitin ng ilang beses sa isang araw.
6. Pahiran ng aloe vera gel ang kagat. Ulitin sa mga susunod na araw.
7. Patakan ng peppermint essential oil ang kinagatan ng ilang beses sa maghapon.
- Latest