Ang clear at sparkling eyes ay nagsasabing malusog at walang sakit ang isang tao. Habang ang pagod na mata ay dulot ng pagod at sakit.
Narito ang ilang home remedy para sa maaliwalas na mata.
1. Magpalamig ng hiniwang pipino sa refrigerator sa loob ng 15 minuto. Ipatong ito sa mata habang nakapikit hanggang uminit ang pipino. Banlawan ito at ulitin ang proseso.
2. Magsawsaw ng 2 cotton balls sa malamig na cold rose water at ipatong sa mata. Banlawan pagkatapos ng 15 minuto.
3. Wisikan ng tubig ang mga mata sa loob ng maghapon.
4. Iwasang tumutok ng matagal sa computer screen.
5. Pumikit-pikit para maiwasan ang pagkatuyo ng mga mata.
6. Uminom ng maraming tubig at kumain ng water-based fruits and vegetables tulad ng pakwan at talong.
7. Magbabad ng dalawang tea bags sa mainit na tubig sa loob ng limang minuto. Tanggalin ang tea bags at pigain ang tubig. Palamigin sa refrigerator sa loob ng 15 minuto. Ipatong sa mga mata ng limang minuto.