^

Para Malibang

Bibigyan ng Leksyon ang Kapatid

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Nagpadala ako ng tatlong bagahe sa ‘Pinas sa kapatid ko mula Libya. Pero pilit na sinasabi nilang mag-asawa na wala silang natanggap. Pero sabi ng pinsan ko ay nakita nilang may dumating na cargo sa bahay namin at ibinibenta ang mga gamit ko. Masakit isipin na pati sarili kong kapatid ay niloloko ako. Midwife ako rito sa Libya sa gitna ng giyera. Hindi namin makuha ang suweldo namin, kaya puro tseke lang ang ibinibigay sa amin kaya wala akong cash. Mabuti na lang ay may tumatanggap na check na tindahan dito sa Libya. Pinamimili namin ng gamit at pinababagahe sa ‘Pinas.  Wala na kaming magulang at bilang panganay ay ako pa ang nagpapaaral sa mga anak nila. Gusto ko silang bigyan ng leksyon na huwag nang kausapin. Tama ba ako? ? Delia

Dear Delia,

Pati ikaw ay tinatalo ng kapatid mo kahit masaklap ang kalagyan mo sa Libya. Tama na bigyan mo sila ng leksiyon na huwag ka munang makipag-usap sa mag-asawa para hindi ka na nila  ulitin na lokohin ka muli. Baka panahon na rin na silang mag-asawa na ang magpaaral sa kanilang mga anak.  Pero kapag nagkaroon ng panahon na hindi ka na galit ay kausapin mo sila sa kanilang masama at maling ginawa. Para magkaunawaan kayong magkapatid at maayos ang inyong pamilya.

Sumasainyo,

Vanezza

VANEZZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with