Ang pipino ay hindi lang refreshing, kundi nutritious din. Ang cucumber ay mayaman sa vitamin K, molybdenum, pantothenic acid, at iba pang vitamins at minerals. Ito rin ay naglalaman ng unique na polyphenols na tinatawag na lignan na meron din sa ibang prutas. Ang lignans ay sinasabing nagpapababa ng panganib sa cardiovascular disease at ibang sakit ng kanser. Idagdag pa na makukuha sa pipino ang phytonutrients na may antioxidant at antiflammatory activity. Sa pag-aaral, ang cucumber extract ay may analgesic effect at scavenges free radicals.
Pero sa pag-aaral ng United States Department of Agriculture (USDA), sinasabing hindi dapat i-blend o gawing juice ang pipino dahil nalaman na mahigit 80 bilang ng iba’t ibang pesticides sa sample ng pipino kasama na ang neurotoxins na suspestang sumisira ng hormone at pinagsisimulan ng kanser.
Siguruhing organic ang pipino at hugasan itong mabuti bago kainin o gawing juice o isalang sa blender.