Naghahanap ng Batong Ipupukpok sa Ulo

Dear Vanezza,

Nagkaanak sa labas ang pinsan ko. Ang gusto niya ay ako ang mag-alaga sa bata dahil mag-a-abroad ang nanay nito sa Saudi. Gustuhin ko man dahil nakita kong cute ang bata sa picture, ang problema ay kung anong sasabihin ko kapag nagpunta ang asawa niya tuwing may okasyon kami sa bahay.  Hindi pa naman ako magaling magsinungaling at ayaw kong masabihan ng kunsintidor ako sa pinsan ko. Tama ba ako?  - Helen

Dear Helen,

Tama ang desisyon mong huwag pumasok sa isang bagay na hindi mo problema. Hayaan mo ang pinsan mong bigyan niya ng solusyon ang problema niya na hindi ka kasama. Mahirap na dahil tiyak na madadamay ka sa gulo na hindi naman dapat. Hayaan mong hilahin ng pinsan mo ang sarili niyang buntot. Huwag ka nang makigulo na parang naghahanap ka ng batong  ipupukpok sa sarili mong ulo.

Sumasainyo

Vanezza

Show comments