Hindi dapat basta-basta umiinom ng Viagra kapag may high blood pressure.
Sa pag-aaral na ginawa noong 2002, kung saan ang may ilang pasyenteng, nagte-take ng gamot para sa high blood ay pinainom ng Viagra.
Sa naturang pag-aaral, maliit na porsiyento lamang ng mga pasyente ang nagkaroon ng adverse side effects sa kombinasyon ng mga gamot na ininom.
Ang iba ay patuloy na umiinom ng Viagra dahil hindi naman sila nakaranas ng malalang side effects.
Karaniwang wala namang problema sa Viagra at high blood pressure ngunit depende ito sa rami ng gamot na iniinom.
Kaya importanteng sabihin sa doctor ang iba’t ibang gamot na iniinom pati na ang mga suppliments.
Hindi rin naman basta-basta makakabili ng Viagra kung walang prescription.