Sports na Pinagkakaabalahan ng Anak
Bawat bata ay may kanya-kanyang sports na pinagkakaabalahan lalo na ngayong summer na maging ito man ay basketball, baseball, football, at iba pa. Kung ang anak ay in sa sports, maganda ito dahil maaga itong namumulat sa hamon ng kompetisyon na naghahangad na manalo. Wala rin kapaguran ang adrenalin ng anak na hindi matapos ang oras na ginugugol ng bata sa training na nadedebelop ang passion sa pinili nitong sports.
Hindi lang lumalakas ang resistensiya ng anak sa sports, kundi pati character ng anak ay nahuhubog. Dahil minsan hindi maiwasan na natatalo ang kanyang team, pero natututunan ng bata na tanggapin ang sitwasyon. Ang maganda ay hindi ito napapagod na lumaban at pagbutihin ang kanyang paglalaro. Nakakatuwa rin na natutunan ng anak na pahalagahan ang relasyon mula sa kanyang mga kasama, kalaro, kaibigan, at sa kanilang coach para lang sa kapakanan ng buong team. Huwag kalimutan ng mga coaches at magulang na kaya sumali ang mga bata sa sports ay para mag-enjoy at masiyahan sa kanilang paglalaro. Matapos man ang mga liga o laban ay laging may baon na magagandang memories ang mga anak.
- Latest