Gamit ang malinis na tela, punasahan ang buhok ng konting plain white vinegar pagkatapos mag-shampoo. Ibabad ito ng dalawang minuto at saka banlawan. Magiging makintab at matibay ang buhok pag ginawa ito ng isang beses sa isang linggo.
Gumamit ng natural hair mask na gawa sa avocado isang beses isang buwan.
Ayon sa ilang hair stylist, mas nakabubuti kung hindi araw-araw huhugasan ang inyong buhok para mapanatili ang natural oil nito.
Masahihin ang anit araw-araw para ma-activate ang blood circulation. Mabilis din hahaba ang buhok kung gagawin ito bago matulog.
‘Wag ibabad ang buhok sa araw. Mas makabubuti kung magsusuot kayo ng sombrero o gumamit ng sunscreen para sa buhok.
‘Wag magsuklay kapag basa pa ang buhok dahil magiging buhaghag lang ito at madaling maputol.
Maganda ang Arazgan Oil sa buhok at maging sa dry scalp.
Iwasan gumamit ng mga pampakulay sa buhok dahil karamihan sa mga ito ay may harsh chemicals gaya ng ammonia na nakasusunog sa anit.
Mag-relax lang dahil mas nakakasira ng buhok ang stress.