Dear Vanezza,
Isang karpintero ang asawa ko na naka-assign sa Laguna na uwian lang kapag weekends sa bahay namin sa Cavite. Ang kinaiinisan ko lang ay pinapatayan niya ako ng telepono kapag tinatawagan ko siya sa gabi. Kulang na rin ang perang ibinibigay niya sa amin. Nag-suggest ako na baka puwede akong sumama sa trabaho niya; at doon na kami sa Laguna magrenta ng bahay. Ayaw naman niya na bigla na lang akong tinatalikuran tuwing nakikipag-usap. Duda ko ay nagbi-beerhouse ang mister ko sa gabi na hilig niya. Ayaw lang niyang mahuli ko siyang lasing kung makausap ko siya sa cell phone sa gabi. Tama ba ang hinala ko? – Micah
Dear Micah,
Malamang tama ang hinala mo sa ginagawa ng asawa mo. Bakit hindi mo subukang kausapin nang hindi pasumbat o tonong naghihinala tuwing nagtatanong ka; gamitan mo ng reverse psychology ang mister mo. Kunin mo ang loob niya na baka sakaling magsabi ito ng totoo. Habaan pa ang pasensiya kay mister, at mag-suggest ng trabaho na mas malapit sa inyo, para araw-araw siyang makakauwi sa bahay ninyo.
Sumasainyo,
Vanezza