Ang pag-enroll ng mga anak sa kung saan eskuwelahan ay pangalawang mahalagang desisyon na dapat gawin ng isang magulang.
Ang tamang desisyon ay maaaring maglagay sa bata sa tagumpay nito sa kanyang lifelong learning. Ang maling desisyon ay malamang na makasisira naman sa pag-aaral o pagkatao ng isang bata.
Kung preschoolers pa ang anak, susi rito ang koneksiyon sa pagitan ng bata at teacher. Ang connection ng bata at guro ay mas higit pa sa curriculum. Ang mga batang 3 o 4-year old na bagets ay nasanay na napapaligiran ng loving people, magulang, at kapatid. Ang pagpasok nito sa school ang unang hakbang ng bata sa pagkakaroon nito ng sariling mundo. Maghanap ng preschool teacher na magpapakita ng kabaitan na handang magturo at magmahal din sa iyong mga anak.
Kumpara sa mga teacher na authoritarian at mukhang nagsusungit sa mga estudyante.
Para ma-check ito ay tanungin na ang principal o administrator sa pagtatanong ng background at experience ng kanilang mga staff o teachers sa papasukang eskuwelahan ng mga anak.