S’more Pizza ng S&R Masarap na Panghimagas!
Burp Review
Mahilig sa pizza pie ang mga Pinoy at kahit pa nga ketchup lang at keso ang topping nito ay mabenta pa rin.
Ngayong buwan ng Abril ay naglabas ng dessert pizza ang S&R kung saan may flavor itong s’mores o ‘yung chocolate, graham, at mallows combination. Weird man sa dinig ng iba pero nauuso na rin ang dessert pizza na may matatamis na toppings.
Sa halagang P109 may single slice ka na ng S’mores pizza at panalo ito lalo na kapag bagong luto pa lang.
Ang isang slice na natikman namin ay may 21 pirasong marshmallows, may graham crackers sa ilalim, Hershey’s choco chip toppings, at chocolate spread. Napaka-sinful ng pizza na ito at talagang enjoy kainin lalo na ‘pag natunaw ang chocolate at marshmallows.
Sakto ang tamis ng chocolate at lambot ng marshmallows. Masarap na panghimagas pagkatapos kumain ng regular na pizza. Hahaha!
Maaari na lang itong matikman hanggang sa katapusan ng buwan, April 30. Lasa: 4/5; Presentasyon: 5/5; Presyo: 4/5
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest