Dear Vanezza,
Hindi ko masisi si nanay kung kumukulo ang dugo niya sa tinuring kong bestfriend dahil ipinagpalit niya ako sa nobyo nito. Tapos bigla akong siniraan ng BF niya sa Facebook sa hindi ko alam na dahilan ng galit ng lalaki. Ngayong split na sila ng dyowa niya ay gustong makipagkonek sa akin ang kaibigan ko. Pero tutol si nanay na makipagkaibigan ako uli sa kanya. Erase ko na lang daw siya sa buhay ko dahil hindi ito tunay na kaibigan. Oo nga nagkamali ang friend ko, pero baka puwede pa siyang magbago ‘di ba? – Tin
Dear Tin,
Nasaktan ang nanay mo kung paano ka tratuhin ng kaibigan mo at ex niya. Lahat ay puwedeng magkamali, pero hayaan mo munang patunayan niya ang kanyang muling pakikipagkaibigan sa iyo. Tulad ng paghingi sa iyo ng tawad at ganundin sa inyong ina na higit na nasaktan sa nangyari.
Sumasainyo,
Vanezza